Sunday, January 23, 2011

Gumawa O Tumulong na may Pakinabang!






Bago ang lahat ay nais ko munang ilathala ang ating "Environmentalist's Daily Prayer" na ginawa para sa ating website, ito po ang lagi kong inuusal sa sandali na nag-a-update ako sa website at nagpo-post sa ating grupong "Kalikasan at "Wikang Filipino" na inyong makikita sa facebook.com.....ito po ang dalangin ng makakalikasan sa wikang "English"....

LORD, I love you, I need you, come into my heart, and bless me, my family, my home, my friends, my countrymen, my Organization, and other Organizations with the same advocacy,help us rehabilitate our dying environment, keep in your people's mind the importance of saving our dying nature, don't let our nature extinct to the world, blessed and accept all the souls of people to your "Kingdom" who do perished in the anger of our nature, do not let the tragedies caused by the typhoons happen again, bless all the people who continuously helping us preserve our existing nature, help us, and the rest of the people in the world, in "JESUS CHRIST" name, Amen!

Salamat po sa pagbasa at sa inyong panalangin...

Marahil din ay nagtataka kayo bakit ang mga larawan ng aming "Simbahan sa Meycauyan", at gayundin ang ating kaibigang si "Jesus Christ", at ni "Saint John the Baptist" na binibigyagan si "Jesus Christ" ang aming ipinoste sa blog na ito....kaya atin po itong ipapaliwanag...para malaman ng lahat ng makakabasa na pati ang ating kinikilalang "Anak ng Diyos" ay may kinalaman sa pagtatayo ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." at ito po ay huwag ninyo sanang gawing biro......o pagtatawanan, at uulitin ko ang lagi kong sinasabi o isinusulat.....na bagama't isa akong "Katoliko" ay hindi ako gagamit ng kahit na anong "Relihiyon" sa pagtulong sa ating kalikasan at inang-bayan....

Sa unang larawan, makikita natin ang aming "Simbahan sa Meycauayan", na halos wala pang dalawang daang yapak (Ang eksaktong bilang ay 188 ft. simula sa gate sa gilid)ay makikita naman ang "Ilog ng Meycauayan" na ideneklarang pinakamarumi, pinakamabaho, pinakamasulasok, pinakamaraming lason, pinakamaraming bakteria at mikrobyo ng isang eskuwelahan o NGO (Blacksmith Institute) na nakabase sa New York City, New York, USA noong taong 2005.....ito ay inumpisahang linisin katuwang ang mga "Sangay ng Gobyerno" at mga kumpanya na nakabase sa Meycauayan...na pinamunuan ng eskuwelahan o Non-Profit Organization (Blacksmith) na ito noong taong iyon, pero taong 2011 na ngayon at ganito pa din ang kundisyon ng ilog na ito...... dati-rati ay namamangka lang ang aming mga kababayan o lumalangoy para marating ang simbahang iyan noong panahon na makikita ninyo sa larawan.....sa ngayon po ba...kaya pa ng mga kababayan ko itong gawin?

Sa pangalawang larawan ay makikita natin si "Jesus Christ" na yakap-yakap ang isang bata, at katabi ang isang aso na sumasagisag ng mga hayop na nawawala na....at isang talon na sumasagisag sa ating kalikasan....at mga bata na sumasagisag sa susunod nating henerasyon....ang ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay may mga proyekto para tulungan ang mga bata, ang mga hayop, kalikasan, at susunod na henerasyon....kaya ang larawan iyan ay halos dala-dala na...ang mga layunin, adhikain, at pananaw ng ating "Foundation"....salamat sa may likha ng larawang ito....

Sa pangatlong larawan ay labis kayong mamamangha...kung inyong iintindihin ang ibig sabihin ng larawang iyan ni "San Juan Bautista".....sa paniniwala at paglalarawan ng inyong lingkod.....

Si "San Juan Bautista" ang nagbinyag sa kinikilala nating "Anak ng Diyos" na si "Jesus Christ"....sa isang busilak at mabangong ilog....si "San Juan Bautista" ay ipinanganak o idinadaos ang kapistahan sa pagsapit ng Hunyo 24 ng bawa't taon....kung ano po ang kaugnayan nito sa aming ilog sa Meycauayan ay inyo pong matutunghayan.

Ang Meycauayan river o sabihin na nating "ObaMMa River" dahil ang mga ilog ng Obando, Meycauayan, at Marilao ay magkakasugpong-sugpong....kaya umisip kami ng pangalan na madaling matandaan.....ang mga ilog o ilog na ito ay una ng binalak gawing proyekto sa paglilinis nito ng mga "GUARDIANS"....na hindi naman nagkaroon ng katuparan dahil sa kawalan ng partisipasyon ng mga nanunungkulan sa gobyerno na naging dahilan din ng pagkawatak-watak ng mga miyembro ng organisasyon sa aming lugar sa Bulacan.....kaya ipinasiya ng inyong lingkod na gawing "Foundation" ang organisasyong tutulong sa paglilinis ng mga ilog na ito.....

At ang ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay nabigyan ng kaukulang lesensiya ng "Securities and Exchange Commission" na may bilang na CN200809720 noong Hunyo 24, taong 2008....pagkakataon lang ba ang petsa o sinadya ng ating kaibigang si "Jesus Christ" at ni "San Juan Bautista"?.....

Dalawang taon na akong nakakasaksi ng parada ng mga litson simula ng ako ay dumating galing sa America tuwing Hunyo 24...dahil ito ay pumapasok sa aming kalyeng Bancal Ext., dito sa "Lungsod ng Meycauayan"...kasama ang imahen ni "San Juan Bautista".....dumadaan kaya sila sa aming ilog ng Meycauayan at pumapasok sa aming "Simbahan"?...hindi ko alam dahil ayokong sumama....lagi ko na lang iniisip tuwing makakakita ng ganitong prusisyon o parada.....alam kaya nila na ang "Santong" kanilang ipinagdiriwang ay may malaking kaugnayan sa mga ilog.....dahil siya ang nagbinyag kay "Jesus Christ" sa isang busilak at mabangong ilog.....bakit kaya pinabayaan ng aking mga kababayan ang aming ilog sa Meycauayan, na halos katabi lang ng aming "Simbahan sa Meycauayan"?

DAHIL ANG UNA NATING PROYEKTO AY ANG "SAGIPIN ANG ILOG NG OBAMMA" o "Save the Rivers of Bulacan" AY HAYAAN NA NINYONG ILAHAD KO SA BLOG NA ITO ANG: "GUMAWA O TUMULONG NA MAY PAKINABANG" DAHIL ITO LANG ANG NAKIKITA KONG SOLUSYON SA MGA PROBLEMA NATIN SA ATING KALIKASAN....HINIHILING KO LANG SA LAHAT NG MIYEMBRO NG "KALIKASAN AT "WIKANG FILIPINO" SA FACEBOOK....NA ITO AY IKALAT SA SANDALI NA ITO AY MABASA.....DAHIL IPO-POSTE NAMIN ITO SA INYONG MGA WALL, HUWAG PO SANANG MAGAGALIT O MAG-IINARTE BAGKUS KAMI AY TULUNGAN.....

AT MADADAMAY DIN SA PROYEKTONG ITO....ANG TAMANG PAGSASA-AYOS NG ATING MGA BASURA, NA AMING ITUTURO KASABAY SA PROYEKTO...KAYA DALAWA KAAGAD SA MGA PROBLEMA NG ATING KALIKASAN ANG ATING MASUSULOSYUNAN....SA MGA MAKAKABASA NITO, INTINDIHIN LANG PO SANANG MABUTI ITO....

"GUMAWA O TUMULONG NA MAY PAKINABANG"!

Dahil sa mga pangyayaring masyado na tayong nababagabag sa nangyayaring pagbaha sa ating bansa at mga karatig na bansa ay hayaan ninyo akong ilahad ang mga proyekto nating kailangan-kailangan ng mga gawain ng drastikong pamamaraan na ang lahat ay makikinabang...

Susunod lang tayo sa kautusan ng dati nating "Pangulo" sa kanyang "Ehekutibong Atas" o "Executive order" sa "Wikang Filipino" na nagsasabing: "Ang lahat ng "Sangay ng Gobyerno" at ang lahat ng "Pilipino" ay dapat ng magkaisa at ilabas ang kanilang mga kagalingan, kasanayan, at responsibilidad sa pagharap sa pagbabago ng klima"....

Ang ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay may dalawang klase o nahahating grupo ng mga miyembro!

Ang unang klase (Class-A Members) ay ang mga ahensiya ng mga gobyerno, mga kumpanya, mga organisasyon, mga bangko, mga bolontaryo, mga nasa ibang bansa, at mga taong may mabubuting kalooban na gusto lang makatulong!

Ang pangalawa klase (Class-B Members)ay ang mga magpapatakbo ng ating "Foundation" (Officers and Staff)sa kanilang mga lugar, mga mangagawa (Workers for Nature), at mga gagawa ng mga pankabuhayang makakalikasang proyekto o "Livelihood for Nature"!

Lahat tayong mga "Pilipino" ay kailangang may partisipasyon sa ating mga komunidad, pero magagawa lang natin ito kung tayo ay magiging miyembro ng ating "Foundation"...lahat dito ay kasali, mayaman o mahirap, matalino o mangmang..."GAWIN NATING ITONG PINAKAMALAKI SA LAHAT NG ORGANISASYON"...kailangan na ang pagkakaisa para sa namamatay nating kalikasan o maghintay muli ng kalamidad....dalawa lang ang ating pagpipilian....

Alam ba natin na kung makikita ng ating "Diyos" na pinipilit nating isalba ang namamatay nating kalikasan na siya ang may lalang ay ilalayo niya tayo sa mga kalamidad...kaya dalawa lang ang inyong pagpipilian.....

Ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay sagana sa teknolohiya para sa ating kalikasan pero hindi magawa dahil sa pagbabalewala ng mga "Sangay ng Gobyerno" at mga "Foundation" o Organisasyon na may pondo na amin ng nalapitan noong nakaraang dalawang taon....siguro sa pagkakataong ito ay tutulungan na kami o tayo dahil lahat naman tayo ay makikinabang....isa-isahin po natin ang pakinabang na ito.....

Pero dahil hindi naman tayo plastik ay kailangan na ding ilabas natin ang mga drastikong pananalita....huwag po sanang magagalit....

Umpisahan natin sa mga "Sangay ng Gobyerno"...lahat po kayo ay may "Environmental Funds"...pero sa aminin man natin o hindi, wala itong napupuntahan...sa pagkakataong ito, ang hinihingi naming tulong ay yung lang pong pang-buwis ninyo...dahil kami ay isang lesensiyadong ahensiya ng "Department Of Social Welfare and Development" ay magkakaroon kayo ng katunayan na kayo ay tumulong...ibawas sa inyong pangbuwis sa Pamahalaan, at kayo po ay nakatulong...ng walang nawala sa inyo bagkus kayo ay nakinabang, pati ang inyong mga pamilya dahil malalayo na sila sa mga kapamahakang dulot ng mga kalamidad....

At kung gusto ninyong gumawa ng proyekto at gusto ding kumita katulad ng sa Materials Recovery Facilities (MRF)na mayroon output na produkto katulad ng Pagkain ng manok at baboy, ganoon din ang abono sa pananim...bumili ng share of stocks o mag-invest sa itinatayong kumpanya na "Save People Save Nature Save World, Inc." na kapatid ng ating "Foundation"!

Sa mga kumpanya, alam namin na kayo ay tumutulong sa mga organisasyon na ibinabawas sa inyong mga buwis....pero nagbibigay ba sila ng katunayan na kayo ay tumulong...hindi naman po di ba...para mas malakihan ninyo ang ibinabawas ninyo sa inyong mga buwis, di na po ito puwede sa panahon ni P-Noy....sa pagkakataong ito, sa amin po ibigay ang iba at makikita ninyo kung saan napupunta ang inyong donasyon....iko-komersiyo pa namin ang inyong mga produkto sa facebook, sa blogger site, at sa ating website, may mawawala po ba sa inyo...di ba mas makikinabang pa....

Isa pang pakinabang...kung may mga reject kayong gamit o mga lumang kasangkapan na puwede ng itapon, ibigay na lang po sa amin at tatapatan namin ng halaga sa resibo na puwede ninyong ibawas sa inyong mga pagbuwis...ang mga ibibigay sa amin ay aming ibebenta sa ating mga kababayan para may maitulong din tayo sa pagpapatakbo ng ating Foundation....

Sa mga organisasyong sinasabing lilinisin ang mga kailogan ng halos dalawang dekada na...malinis na po ba ang mga ilog natin...huwag na po sanang maging plastik...para din iyang pagnanakaw....ang paghingi ng mga donasyon na wala namang nagagawa....i-affiliate o isapi na lang po sa ating "Foundation" ang inyong organisasyon at magtulong-tulong na lang tayo na linisin ang ating mga kailogan....gagaan pa ang inyong kunsensiya...dahil di naman namin papakialaman ang inyong pondo, ang nais lang namin ay kayo ay turuan kung ano ang mga gagawin.....para sa ating mga kailogan at kapaligiran....at sa ating bansa.

Sa atin namang malalaking bangko, kasama po sa aming artikulo ng kooperasyon (Articles of Incorporation) ang pag-utang kung may gagawing proyekto, gayundin sa Republic Act 9003 ang pag-utang kung gagawa ng MRF, napahiya na kami noong nakaraang administrasyon dahil ang gusto ay mga lingkod bayan lang daw ang dapat umutang na hindi kailanman nakalagay sa batas na ito, ngayong may bago ng administrasyon sa "Malacanyang" na pinamumunuan ni P-Noy....ay hindi na po sana kami mapahiya...dahil kailangang-kailangang na ang mga pangkalikasang proyekto....siguro naman ay hindi na kami ngayon mahihindian dahil kami lang ang may mga proyekto para sa ating kalikasan...kaya naman po naming magbayad dahil ang mga produkto nating pangkalikasan at pangkalusugan ay kailangan ng ating bansa at gayundin sa ibang bansa....

Sa atin namang kababayan na gustong mag-boluntaryo lang minsan isang taon, o dalawang beses sa sinasabing mga pangkalikasang proyekto, wala po tayong maitutulong sa ating kalikasan kung ganyan ang inyong ginagawa...mapapagod lang kayo, sa ating "Foundation' ay nangangailangan din ng mga boluntaryo, pero gagawin natin minsan isang buwan....sa mga Medical Mission, sa mga Feeding program, puwede din na kayo ay sumama sa mga aktibidades para sa kalikasan, at pagtulong sa mga kalamidad na posibling mangyari sa ating bansa....kung gusto na boluntaryo lang ang gagawin....sumapi na po sa amin....

Sa mga gusto lang tumulong na may mabuting kalooban...sumapi na po sa amin at kami po ay tulungan, kailangang-kailangan namin ang mga taong katulad ninyo na hindi plastik ang gagawing pagtulong, maari din namang ibawas sa inyong mga ibinabayad na buwis ang anumang itutulong kung inyo pong nanaisin...at bilang ganti, titiyakin naming na kayo ay humaba pa ang buhay kung magtitiwala po sa aming paraan ng pang-gagamot...kung kayo po ay may karamdaman...

Sa mga nasa ibang bansa, puwede din kayong mag-miyembro at magtayo ng sarili ninyong opisina sa bansang kinaroroonan ninyo....ang mahihingi ninyong donasyon o mga gamit man ay maitutulong ninyo sa mahihirap nating kababayan...pero hindi naman lahat, puwede din ninyong iwanan sa inyong lugar ang iba....dahil sa lahat naman ng bansa ay may mga kababayan tayong posibli ding naghihirap....at puwede ding magtrabaho para sa ating kalikasan.....na problema sa lahat ng dako ng mundo....sa panahong ito...

Ang pangalawang klase ng mga miyembro ay ang mga Direktor at mga Opisyales ng bawat lugar na may opisina ng ating "Foundation", kabilang din dito ang mga magiging mangagawa (Workers for Nature)at gagawa ng mga pangkabuhayang proyekto (Livelihood) para sa ating kalikasan...dito po ay susuweldo sila ng sapat para ikabuhay ng kanilang pamilya...o bibilhin ng ating kumpanya o Foundation ang mga magagawang produkto sa kanilang livelihood na maibebenta din sa mga miyembro....maging ng mga hindi miyembro na mangangailangan...

Dito din ay may mga karapatan silang mamahagi ng mga produktong pangkalusugan ng walang puhunan, dahil susuplayan sila ng kapatid nating kumpanya, at matamasa din ng may diskuwento ang lahat ng mga produkto ng ating Foundation o kumpanya man,,,gagawin natin ito sa lahat ng miyembro...maging sa una mang klase ng ating miyembro...

Dito pa din ay may karapatan silang makapag-aral sa mga seminar na gagawin ng walang bayad sa mga gagawing proyekto at programa ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."....at dahil kayo ay miyembro, sa unang mga araw ay bibigyan namin kayo ng sample ng produkto nating "BIO-ALCA VIRGIN OIL"...ang produktong ating ilalabas sa pamilihang bayan sa mga susunod na buwan, ang produktong kayang magbalik ng ibinayad kung sa loob ng dalawang buwan ay hindi matangal ang sakit na "Diyabetes" sa katawan ng may karamdaman.....dahil ang "Diyabetes" ay pandemic na sa ating bansa, at ayaw naming mahirapan ang ating mga miyembro sa sakit na ito....dahil inihahanda natin siya o sila sa mahabang panahong pagtulong sa ating bansa at kalikasan.....

Maari din kayong magpatakbo ng computer shop sa inyong lugar na patatakbuhin ng ating "Foundation"...para matuto ang mga miyembro ng pag-gamit ng computer at para na din may mga pupuntahan ang ating mga miyembro kung sakaling gusto nilang malaman ang mga nangyayari sa ating ginagawang pagtulong sa ating bansa at namamatay na kalikasan...sa araw-araw pang darating sa ating buhay....

Maari din kayong magtayo ng chapter o branch office sa inyong mga lugar...at ayon sa DSWD AO 17, ang mga malilikom ninyong mga halaga na tulong ng mga kumpanya o mga taong may pagpapahalaga sa ating kalikasan ay pitumpong (70%) porsiyento lang ang inyong gagamitin sa inyong proyekto, at ang natitirang trenta (30%)porsiyento ay mapupunta sa administratibo, katulad ng allowances ng mga opisyal at suweldo ng mga kawani....tuturuan din namin kayo ng proyektong gusto ninyo para sa ating kalikasan o naghihirap na kababayan...tumutulong na, may trabaho pa, at may pakinabang pa.....legal ho tayo kaya ito ay ating magagawa......

Ang lahat po ng miyembro, maging una at pangalawang klase ay kailangang magbayad ng tatlong daang piso (P300.00) para sa lifetime membership....tulong lang po ito sa mga ID at Sertipikong gagawin, paglalagay ng inyong profile sa ating website (Binabayaran po ang ating website), at mga gagawing seminars o "Maikling Pagsasanay" para sa Kalikasan at humihinging tulong nating mga kababayan....at maaring kabilang kayo doon!

Ang prayoridad natin sa mga mangagawa (Workers for Nature) ay mga "GUARDIANS"...kaya bago kayo mapasok dito ay hihingin namin ang mga katunayan na kayo ay isang lehitimong "GUARDIANS"...kaya hihingi kami ng "Sertipikasyon" sa inyong mga namumuno na kayo ay nabibilang sa matitinong "GUARDIANS" at walang kasalanang nagawa sa ating lipunan...bukod pa sa Police at Barangay Clearance.....dahil ito ay isang "Foundation" na ginawa ng mga matitinong "GUARDIANS" at mga taong may mabubuting kalooban....at ayaw natin masamahan tayo ng hindi lehitimong "GUARDIANS".....

At napaka-importante din na kung kayo ay isang "Workers for Nature" ay may karapatan kayong irekomenda ang inyong mga anak na matatalino na gawin nating "Scholar" sa pag-aaral...dahil ito ay isa din sa ating mga proyekto...

LAHAT NG SANGAY NG GOBYERNO, LAHAT NG KUMPANYA, LAHAT NG ORGANISASYON, FOUNDATION, CLUB, ASSOSASYON, AT ALAM NAMING MABUBUTING TAO....NA NAKABASE SA METRO MANILA AT REHIYON TATLO.....AY AMING LALAPITAN AT HIHIMUKING SUMAPI SA ATING "GUARDIANS STOP GLOBAL WARMING FOUNDATION, INC."....MAGING HONORARYO MAN O REGULAR...ITO NA LANG ANG NALALABI NATING PAG-ASA NA MAPAGKAISA ANG LAHAT NG "PILIPINO" NA TUMULONG SA NAMAMATAY NA NATING KALIKASAN....AT ITO PO AY AMING GAGAWIN SA SANDALI NA MABUO NA NAMIN ANG LABINLIMANG DIREKTOR AT MAISUMITE ANG "GENERAL INFORMATION SHEET" SA "SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION" NG ATING BANSA!

KUNG NAIS MALAMAN ANG MGA PROYEKTO AT PROGRAMA NG ATING "FOUNDATION" AY BASAHIN ANG LINK NG BLOG NA: ANO BA ANG FOUNDATION, AT ANO BA ANG GSGWFI?, GAWING KANAN, ITAAS!

ANG LAHAT PO NG "GUARDIANS" NA MAKAKABASA NG ATING BLOG NA ITO AY KUNG PUWEDE PO AY MAGKOMENTO, DAHIL GINAWA ANG ATING "GUARDIANS STOP GLOBAL WARMING FOUNDATION, INC." PARA SA LAHAT NG LEHITIMONG "GUARDIANS" NA INAASAHAN NAMING MAKAKATULONG AT SASAGIP NG NAMAMATAY NA NATING KALIKASAN, GAYUNDIN DIN PO SA MGA KAIBIGAN NATING MALALAGYAN NG BLOG NA ITO SA KANILANG FACEBOOK WALL....SALAMAT PO SA LAHAT NG NAKAUNAWA AT GOD BLESS SA INYO.....